Pagkamulat
Nirahuyo mo ako
Sa idinating mong kabaguhan
Sa buhay ko
Subalit nang masuong ang buo
Kong pagkatao
Naging malamig ang init
Na dati’y kapiling
Ng katauhan mo.
Nilason mo
Ang kaisipan ko
Sa paniwalang ang sa akin
Ay sa iyo at ang sa iyo
ay sa akin.
Ang totoo
Walang para sa akin
Ang lahat ay para sa iyo
Ibinuyo mo
Na maghimagsik ako
Sapagkat tinakdaan mo
Ang hantungan ng aking buhay
Na dapat sana’y nasa alapaap
Ng isang libo’t isang ligaya.
Ibalik mo man
Ang karangyaan ng lumipas
Na kahapo’y malayo nang manaig
Pang muli ang magagandang
Pangarap; malabo na ang mga pangitaing
Sa guni-guni na lamang makasisinag
Ng katuparan.
Comments
Post a Comment