Mikael De Lara Co
Walang makapapansin. Maglalakad ako sa hardin
ng aking kapitbahay at isa-isang durukutin ang mata
ng mga bulaklak. Darapa ang damo sa ilalim
ng aking talampakan. Lalapat ang mga dahon
sa kapwa nila dahon. Kaba ang tawag dito,
o alisuag. Sapagkat kung ako’y magkakasala,
at walang makakikita, maaari kong sabihing
hangin ang nagkuyom sa makahiya. Hindi ako.
Sapagkat hindi mo matitiyak kung ano ang naglalaho
sa bawat pagpikit mo. Maaaring wala.
Maaaring sa isang balkonahe, sa isang dako
ng mundo, may dumarapong paruparo. Ang totoo?
Madaling-araw dito. Nakakuyom ang mga makahiya.
Heto: isang sugat. Sa iyo ko lamang aaminin.
Sa dakong ito ng mundo,
iisa ang ngalan namin ng hangin.

Comments
Post a Comment